Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Pahayag ng Pinuno ng Islamikang Rebolusyon ng Iran kasunod ng insidente sa Daungan ni Shaheed Rajaee, sa Bandar Abbas.
Ang pahayag ng Islamikang Pinuno ng Rebolusyon ng Iran ay sa mga sumusunod:
Sa ngalan ng Diyos, ang pinakamaawain, ang pinakamahabagin
Ang katotohanan, tayo ay kay Allah at sa Kanya tayo babalik
Ang kalunos-lunos na insidenteng sunog sa Daungan ni Shaheed Rajai ay malungkot at nakakabahala!
Ang mga opisyal ng seguridad at hudikatura ay dapat magsagawa ng buong pagsisiyasat upang matuklasan ang anumang kapabayaan o sadyang maling pag-uugali at ituloy ang usapin alinsunod sa batas.
Dapat isaalang-alang sa lahat ng mga opisyal ang kanilang sarili na responsable sa pagpigil sa mga traumatikong aksidente na kung saan nagreresulta sa malalaking pagkalugi.
Hinihiling ko sa Diyos na Makapangyarihan para magkaroon ng awa at kapatawaran sa mga biktima, pasensya at kapayapaan sa kanilang mga nagdadalamhating mahal na pamilya, at mabilis na paggaling para sa mga nasugatan, sa mapait at masakit na pangyayaring ito. Ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga taong nagsakripisyo para sumugod upang mag-laan ng kanilang sariling-dugo sa mga nasugatan sa kritikal na sandaling ito.
Sumainyo nawa ang kapayapaan at awa ng Diyos na Makapangyarihan mapa sa ating lahat
Sayyid Ali Khamenei
4/27/2025
Your Comment